Doktrina ni Cristo Tingnan din sa Ebanghelyo; Plano ng Pagtubos Ang mga alituntunin at aral ng ebanghelyo ni Jesucristo. Ang aking doktrina ay papatak na parang ulan, Deut. 32:2. Silang mga dumaraing ay matututo ng doktrina, Is. 29:24. Natigilan ang mga tao sa kanyang doktrina, Mat. 7:28. Ang doktrina ko ay hindi akin, kundi sa kanya na nagsugo sa akin, Juan 7:16. Ang lahat ng banal na kasulatan ay mapakikinabangan sa pagtuturo, 2 Tim. 3:16. Ito ang doktrina ni Cristo, at ang tangi at tunay na doktrina ng Ama, 2 Ne. 31:21 (2 Ne. 32:6). Hindi dapat magkaroon ng mga pagtatalu-talo sa inyo hinggil sa mga paksa ng aking doktrina, 3 Ne. 11:28, 32, 35, 39–40. Inuudyukan ni Satanas ang mga puso ng tao na magtalu-talo hinggil sa mga paksa ng aking doktrina, D at T 10:62–63, 67. Ituro sa mga anak ang doktrina ng pagsisisi, pananampalataya kay Cristo, pagbibinyag, at ang kaloob na Espiritu Santo, D at T 68:25. Ituro sa isa’t isa ang doktrina ng kaharian, D at T 88:77–78. Ang doktrina ng pagkasaserdote ay magpapadalisay sa iyong kaluluwa, D at T 121:45.