Alingawngaw
Nagkakalat si Satanas ng mga bali-balita at pag-aaway-away—kung minsan ay bahagyang nababatay sa katotohanan—upang tumalikod ang tao laban sa Diyos at sa lahat ng mabuti (Hel. 16:22; JS—K 1:1). Isa sa mga palatandaan ng ikalawang pagparito ni Jesucristo ay mag-uusap ang mga tao ng tungkol sa mga digmaan, at alingawngaw ng mga digmaan (Mat. 24:6; D at T 45:26; JS—M 1:23).