Mahalay, Kahalayan Tingnan din sa Kalinisang-puri; Pagnanasa; Pakikiapid; Pangangalunya; Seksuwal na Imoralidad Ang pagkamahilig o pagnanasa sa maling kagustuhan ng katawan, lalo na sa seksuwal na imoralidad. Tinitigan si Jose ng asawa ng kanyang panginoon, Gen. 39:7. Ang bawat tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala ng pakikiapid, Mat. 5:28 (3 Ne. 12:28). Magsipagpigil kayo sa masasamang pita ng laman, na nakikipaglaban sa kaluluwa, 1 Ped. 2:11. Ang masamang pagnanasa ng laman at ang masamang pagnanasa ng mga mata ay hindi mula sa Ama, 1 Juan 2:16. Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata, Alma 39:9. Sa pamamagitan ng paglabag sa mga batas na banal ang tao ay naging makamundo, D at T 20:20. Kung sinuman ang magkasala ng pakikiapid sa kanilang mga puso, hindi mapapasakanila ang Espiritu, D at T 63:16. Tumigil sa lahat ng inyong mahahalay na pagnanasa, D at T 88:121. Nagsimulang maging makamundo, mahalay, mala-diyablo ang tao, Moi. 5:13 (Mos. 16:3; Moi. 6:49).