Deuteronomio
Ibig sabihin “pag-ulit ng batas” at ang ikalimang aklat sa Lumang Tipan.
Nilalaman ng Deuteronomio ang huling tatlong talumpati ni Moises, na kanyang ibinigay sa kapatagan ng Moab bago siya kinuha sa langit. Ang unang talumpati (mga kabanata 1–4) ay pambungad. Ang ikalawang talumpati (mga kabanata 5–26) ay binubuo ng dalawang bahagi: (1) Sa mga kabanata 5–11—ang Sampung Kautusan at isang praktikal na paliwanag tungkol sa mga ito; at (2) Sa mga kabanata 12–26—isang alituntunin ng mga batas, na siyang simula ng buong aklat. Ang ikatlong talumpati (mga kabanata 27–30) ay naglalaman ng taimtim na pagpapanibago ng tipan sa pagitan ng Israel at ng Diyos at pagpapahayag ng mga pagpapalang sasapit dahil sa pagsunod at mga kaparusahang sasapit dahil sa pagsuway. Inilalarawan ng mga kabanata 31–34 ang pagbibigay ng mga batas sa mga Levita, ang awit at huling pagbabasbas ni Moises, at ang paglisan ni Moises.