Ezechias
Isang mabuting hari ng bansang Juda sa Lumang Tipan. Namahala siya ng dalawampu’t siyam na taon, sa panahong si Isaias ang propeta sa Juda (2 Hari 18–20; 2 Cron. 29–32; Is. 36–39). Tinulungan siya ni Isaias sa pagpapabuti kapwa ng simbahan at estado. Pinigil niya ang pagsamba sa diyus-diyusan at ibinalik muli ang mga gawain sa templo. Ang buhay ni Ezechias ay pinahaba ng labinlimang taon ng pananalangin at pananampalataya (2 Hari 20:1–7). Matagumpay ang unang bahagi ng kanyang paghahari subalit ang kanyang paghihimagsik laban sa hari ng Asiria (2 Hari 18:7) ay nagbunga ng dalawang paglusob ng Asiria: inilarawan ang una sa Isaias 10:24–32, ang pangalawa sa 2 Hari 18:13–19:7. Sa ikalawang paglusob, iniligtas ang Jerusalem ng isang anghel ng Panginoon (2 Hari 19:35)