Sa mga banal na kasulatan, ang mata ay kalimitang ginagamit bilang isang tanda ng kakayahan ng isang taong tanggapin ang liwanag ng Diyos. Bilang pagsasagisag, nagpapakita rin ang mata ng isang tao ng kalagayang espirituwal at isang pang-unawa sa mga bagay ng Diyos.
Ang kautusan ng Panginoon ay dalisay, nagpapaliwanag sa mga mata, Awit 19:8 .
Ang mga hangal ay may mga mata at hindi nakakikita, Jer. 5:21 (Mar. 8:18 ).
Sa aba sa yaong nag-aakalang sila ay marurunong sa kanilang sariling pananaw, 2Â Ne. 15:21 (Is. 5:21 ).
Sila ay nagsimulang mag-ayuno at manalangin upang mabuksan ang mga mata ng mga tao, Mos. 27:22 .
Binulag ni Satanas ang kanilang mga mata, 3Â Ne. 2:2 .
Walang sinuman ang magkakaroon ng kapangyarihang mailabas ang Aklat ni Mormon maliban sa isang matang nakatuon lamang sa kaluwalhatian ng Diyos, Morm. 8:15 .
Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ang aming mga mata ay nabuksan at naliwanagan ang aming mga pang-unawa, D at T 76:12 .
Ang liwanag ay galing sa kanya na nagbibigay-liwanag sa inyong mga mata, D at T 88:11 .
Ang inyong buong katawan ay mapupuno ng liwanag kung ang inyong mata ay nakatuon sa aking kaluwalhatian, D at T 88:67 .