Ang tanggapin sa langit ang mga ordenansang isinagawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagkasaserdote na nasa lupa. Nabubuklod ang mga ordenansa kapag natanggap nila ang pagsang-ayon ng Banal na Espiritu ng Pangako, na siyang Espiritu Santo.
Sa kanila ay ibinigay ang kapangyarihang pagbubuklod kapwa sa lupa at sa langit, D at T 1:8 .
Sila na mga nasa selestiyal na kaluwalhatian ay pinagtibay ng Banal na Espiritu ng Pangako, D at T 76:50–70 .
Iginawad ni Elijah ang mga susi ng kapangyarihan ng pagbubuklod sa mga kamay ni Joseph Smith, D at T 110:13–16 .
Ito ang kapangyarihan ng pagbubuklod at pagtatali, D at T 128:14 .
Ang mas tiyak na salita ng propesiya ay nangangahulugan na malaman ng isang tao na siya ay ibinuklod sa buhay na walang hanggan, D at T 131:5 .
Lahat ng tipan na hindi ibinuklod ng Banal na Espiritu ng Pangako ay may katapusan kapag ang mga tao ay patay na, D at T 132:7 .
Ang dakilang gawaing gagawin sa mga templo ay sinasaklaw ang pagbubuklod ng mga anak sa kanilang mga magulang, D at T 138:47–48 .