Mga Tulong sa Pag-aaral
Dan


Dan

Sa Lumang Tipan, ang anak nina Jacob at Bilha, na katulong ni Raquel (Gen. 30:5–6).

Ang lipi ni Dan

Para sa pagbabasbas ni Jacob kay Dan, Tingnan sa Gen. 49:16–18. Para sa pagbabasbas ni Moises sa lipi ni Dan, Tingnan sa Deut. 33:22. Matapos silang makarating sa Canaan, nakatanggap ang lipi ni Dan ng isang maliit subalit matabang piraso ng lupa (Jos. 19:40–48). Dumanas sila ng maraming hirap sa pagtatanggol nito laban sa mga Amorrheo (Huk. 1:34) at laban sa mga Filisteo (Huk. 13:2, 25; 18:1). Bunga nito, lumikas ang mga Danita sa hilaga ng Palestina (Huk. 18), sa may Lais, at iyon ay pinangalanang lunsod ng Dan. Ang bayang ito ay kilala bilang hilagang hangganan ng Palestina, na umaabot “mula sa Dan maging hanggang sa Beerseba.”