Kawalang-paniniwala Tingnan din sa Paniniwala, Maniwala Kawalan ng pananampalataya sa Diyos at sa kanyang ebanghelyo. Hindi siya gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa dahil sa kanilang kawalang-paniniwala, Mat. 13:58. Dahil sa kawalan nila ng paniniwala ang mga disipulo ni Jesus ay hindi makapagpataboy ng diyablo, Mat. 17:14–21. Tulungan ninyo ako sa kakulangan ko sa pananampalataya, Mar. 9:23–24. Pinagwikaan ni Jesus ang kanyang mga apostol sa kanilang kawalang-paniniwala at katigasan ng puso, Mar. 16:14. Ang kawalan ba ng paniniwala ay nagpapawalang-halaga sa pagtatapat ng Diyos? Rom. 3:3. Higit na mabuting masawi ang isang tao kaysa ang isang bansa ay tuluyang manghina at masawi sa kawalang-paniniwala, 1 Ne. 4:13. Kung dumating ang panahon na sila ay manghina sa kawalang-paniniwala, papangyarihin niyang sila ay makalat at maparusahan, 2 Ne. 1:10–11 (D at T 3:18). Dahil sa kanilang kawalang-paniniwala hindi nila maunawaan ang salita ng Diyos, Mos. 26:1–5. Hindi ko maipakita sa mga Judio ang mga gayong kadakilang himala, dahil sa kawalan nila ng paniniwala, 3 Ne. 19:35. Ang inyong mga isipan sa mga nakaraang panahon ay naging madilim dahil sa kawalang-paniniwala, D at T 84:54–58.