Karangalan Tingnan din sa Paggalang; Pahalagahan Sa karaniwang pagkakagamit sa mga banal na kasulatan, ang magpakita ng paggalang at pitagan sa isang tao o isang bagay. Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, Ex. 20:12 (1 Ne. 17:55; Mos. 13:20). Parangalan mo ang Panginoon sa pamamagitan ng iyong kabuhayan, Kaw. 3:9. Ang sinumang tao na maglilingkod sa akin, pararangalan siya ng aking Ama, Juan 12:26. Nararapat magbigay ng paggalang ang mga lalaki sa kanilang mga asawa, 1 Ped. 3:7. Sa kanilang mga labi lamang pinapupurihan nila ang Panginoon, 2 Ne. 27:25 (Is. 29:13). Hindi ako naghahangad ng papuri ng sanlibutan, Alma 60:36. Naghimagsik ang diyablo laban sa akin, sinasabing, Ibigay mo sa akin ang iyong karangalan, na aking kapangyarihan, D at T 29:36. Ang matatapat ay puputungan ng karangalan, D at T 75:5 (D at T 124:55). Nagagalak ang Panginoon na parangalan ang mga yaong naglilingkod sa kanya, D at T 76:5. Hindi sila pinili sapagkat hinangad nila ang mga papuri ng mga tao, D at T 121:34–35. Naniniwala kami sa paggalang at pagtataguyod ng batas, S ng P 1:12 (D at T 134:6).