Taga-Tesalonica, Mga Sulat sa mga
Dalawang aklat sa Bagong Tipan. Ito ay mga orihinal na sulat na isinulat ni Pablo sa mga taga-Tesalonica habang siya ay nasa Corinto sa kanyang unang pagtungo sa Europa, mga A.D. 50. Inilarawan sa Mga Gawa 17 ang kanyang mga gawain sa Tesalonica. Hinangad ni Pablo na bumalik sa Tesalonica subalit hindi niya nagawa (1 Tes. 2:18). Kaya nga isinugo niya si Timoteo upang aliwin ang mga nagbalik-loob at ibalita ang kanilang mga ginagawa. Isinulat ni Pablo ang kanyang unang sulat bunga ng kanyang pagpapasalamat sa pagbabalik ni Timoteo.
Unang Mga Taga-Tesalonica
Nilalaman ng mga kabanata 1–2 ang pagbati ni Pablo at ang kanyang panalangin para sa mga Banal; ang mga kabanata 3–5 ay nagbibigay ng tagubilin sa pagsulong na espirituwal, pag-ibig, kalinisang-puri, kasigasigan, at ng ikalawang pagparito ni Jesucristo.
Ikalawang Mga Taga-Tesalonica
Nilalaman ng kabanata 1 ang isang panalangin para sa mga Banal. Nasasaad sa kabanata 2 ang darating na lubusang pagtalikod sa katotohanan. Nilalaman ng kabanata 3 ang panalangin ni Pablo para sa tagumpay ng layunin ng ebanghelyo.