Mga Tulong sa Pag-aaral
Jonas


Jonas

Isang propeta sa Lumang Tipan na tinawag ng Panginoon upang mangaral ng pagsisisi sa lunsod ng Ninive (Jon. 1:1–2).

Ang aklat ni Jonas

Isang aklat sa Lumang Tipan na nagsasaad ng karanasan sa buhay ni Jonas. Marahil hindi mismo si Jonas ang sumulat ng aklat. Ang pangunahing kaisipan sa aklat ni Jonas ay naghahari si Jehova saanman at hindi lamang sa isang bansa o mga tao ibinibigay ang kanyang pag-ibig.

Sa kabanata 1, tinawag ng Panginoon si Jonas upang mangaral sa Ninive. Sa halip na gawin ang ipinag-uutos ng Panginoon, tumakas si Jonas sa pamamagitan ng sasakyang-dagat at nilulon ng isang malaking isda. Sa kabanata 2, nanalangin si Jonas sa Panginoon, at iniluwa ng isda si Jonas sa lupa. Natatala sa kabanata 3 na nagtungo si Jonas sa Ninive at nagpropesiya ng pagbagsak nito. Subalit, nagsisi ang mga tao. Sa kabanata 4, pinagsabihan ng Panginoon si Jonas dahil nagalit siya na iniligtas ng Panginoon ang mga tao.

Itinuro ni Jesus na ang pagkakalulon ng isda kay Jonas ay nagsisilbi bilang isang babala ng sariling kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ni Jesus (Mat. 12:39–40; 16:4; Lu. 11:29–30).