Mga Tulong sa Pag-aaral
Taga-Colosas, Sulat sa mga


Taga-Colosas, Sulat sa mga

Isang aklat sa Bagong Tipan. Ito ay orihinal na sulat na isinulat ng Apostol na si Pablo sa mga taga-Colosas matapos siyang dalawin ni Epafras, ang evangelista ng Simbahan sa Colosas (Col. 1:7–8). Sinabi ni Epafras kay Pablo na nahuhulog sa mabibigat na kamalian ang mga taga-Colosas—inaakala nilang higit silang mabubuti kaysa ibang tao dahil sa maingat nilang pagtupad sa ilang natatanging panlabas na ordenansa (Col. 2:16), pinagkakaitan ang kanilang sarili ng ilang pangangailangang pisikal, at sumasamba sa mga anghel (Col. 2:18). Inakala ng mga taga-Colosas na sa pamamagitan ng mga kaugaliang ito sila ay pinababanal. Inakala rin nilang nauunawaan nila ang mga hiwaga ng sandaigdigan nang higit sa iba pang kasapi ng Simbahan. Sa kanyang sulat, itinuwid sila ni Pablo sa pamamagitan ng pagtuturo na darating lamang ang pagtubos sa pamamagitan ni Cristo at kinakailangan tayong maging marunong at maglingkod sa kanya.

Sa kabanata 1 nasusulat ang pagbati ni Pablo sa mga taga-Colosas. Ang mga kabanata 2–3 ay doktrinal at naglalaman ng mga paghahayag tungkol kay Cristo bilang Manunubos, ang panganib ng maling pagsamba, at ang kahalagahan ng pagkabuhay na mag-uli. Itinuturo sa kabanata 4 na kailangang maging marunong ang mga Banal sa lahat ng bagay.