Mga Tulong sa Pag-aaral
Mahalagang Perlas


Mahalagang Perlas

Ang kaharian ng Diyos sa lupa ay inihalintulad sa isang “mahalagang perlas” (Mat. 13:45–46).

Ang Mahalagang Perlas ang katawagang ibinigay rin sa isa sa apat na aklat ng banal na kasulatan na tinatawag na “pamantayang gawa” ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Inilathala ang unang edisyon ng Mahalagang Perlas noong 1851 at naglalaman ng ilang bagay na ngayo’y nasa Doktrina at mga Tipan. Naglalaman ang mga edisyong inilathala mula noong 1902 ng (1) isang hango mula sa pagsasalin ni Joseph Smith ng Genesis, na tinawag na aklat ni Moises, at ng Mateo 24, na tinawag na Joseph Smith—Mateo; (2) ang pagsasalin ni Joseph Smith ng ilang papyrus na galing sa Egipto na kanyang nakuha noong 1835, na tinawag na aklat ni Abraham; (3) isang hango mula sa kasaysayan ng Simbahan na isinulat ni Joseph Smith noong 1838, na tinawag na Joseph Smith—Kasaysayan; at (4) ang Mga Saligan ng Pananampalataya, labintatlong pangungusap ng paniniwala at doktrina.