Salem Tingnan din sa Jerusalem; Melquisedec Ang lunsod sa Lumang Tipan kung saan naghari si Melquisedec. Maaaring ang kinaroroonan nito noon ay sa kasalukuyang kinatatayuan ng Jerusalem. Ang pangalang “Salem” ay katulad na katulad ng salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay “Kapayapaan.” Si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak, Gen. 14:18. Si Melquisedec, hari sa Salem, ay saserdote ng kataas-taasang Diyos, Heb. 7:1–2. Si Melquisedec ay hari sa buong lupain ng Salem, Alma 13:17–18.