Solomon Tingnan din sa Bath-sheba; David Sa Lumang Tipan, anak nina David at Bath-sheba (2 Sam. 12:24). Si Solomon ay minsang naging hari ng Israel. Hinirang ni David si Solomon bilang hari, 1 Hari 1:11–53. Inutusan ni David si Solomon na lumakad sa daan ng Panginoon, 1 Hari 2:1–9. Pinangakuan siya ng Panginoon ng isang matalinong puso, 1 Hari 3:5–15. Humatol sa dalawang ina at tiniyak ang tunay na ina ng bata, 1 Hari 3:16–28. Siya’y nangusap ng mga kawikaan at awit, 1 Hari 4:32. Itinayo ang templo, 1 Hari 6; 7:13–51. Inilaan ang templo, 1 Hari 8. Dinalaw ng reyna ng Seba, 1 Hari 10:1–13. Nag-asawa si Solomon ng di-taga-Israel, at iniligaw ng kanyang mga asawa ang kanyang puso sa pagsamba sa mga diyus-diyusan, 1 Hari 11:1–8. Nagalit ang Panginoon kay Solomon, 1 Hari 11:9–13. Namatay, 1 Hari 11:43. Nagpropesiya si David ng tungkol sa kabantugan ng paghahari ni Solomon, Awit 72. Maraming naging asawa at mga kalunya si Solomon, subalit ang iba ay hindi tinanggap ng Panginoon, D at T 132:38 (Jac. 2:24).