Sa mga banal na kasulatan, ang kapayapaan ay maaaring nangangahulugan ng kalayaan mula sa labanan at kaguluhan o panloob na katahimikan at kaginhawahan na dulot ng Espiritu na ibinibigay ng Diyos sa kanyang matatapat na Banal.
Kalayaan mula sa labanan at kaguluhan
Kanyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma, Awit 46:9 .
Ni hindi na sila mag-aaral pa ng pakikidigma, Is. 2:4 .
Katahimikan mula sa Diyos para sa mga masunurin
Ang Tagapagligtas ay tatawaging Prinsipe ng Kapayapaan, Is. 9:6 .
Walang kapayapaan sa masasama, Is. 48:22 .
May isang makalangit na hukbo, nagbibigay-papuri sa Diyos na nagsasabing, Luwalhati sa Diyos sa kataas-taasan, at sa lupa’y kapayapaan, Lu. 2:13–14 .
Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, Juan 14:27 .
Ang kapayapaan ng Diyos ay di masuyod ng pag-iisip, Fil. 4:7 .
Ang mga tao ni Haring Benjamin ay nakatamo ng kapayapaan ng budhi, Mos. 4:3 .
Kayganda sa mga bundok ang mga paa ng mga yaong naglalathala ng kapayapaan, Mos. 15:14–18 (Is. 52:7 ).
Si Alma ay nagsumamo sa Panginoon at natagpuan niya ang kapayapaan, Alma 38:8 .
Ang mga espiritu ng yaong mabubuti ay tatanggapin sa kalagayan ng kapayapaan, Alma 40:12 .
Hindi nga ba’t ako ay nangusap ng kapayapaan sa iyong isipan hinggil sa bagay na ito? D at T 6:23 .
Lumakad sa kaamuan ng aking Espiritu, at ikaw ay magkakaroon ng kapayapaan sa akin, D at T 19:23 .
Siya na gumagawa ng mga gawa ng kabutihan ay makatatanggap ng kapayapaan, D at T 59:23 .
Damitan ang inyong sarili ng bigkis ng P-ibig sa kapwa-tao, na bigkis ng Piging ganap at kapayapaan, D at T 88:125 .
Aking anak, kapayapaan ay sumaiyong kaluluwa, D at T 121:7 .