Mga Tulong sa Pag-aaral
Kamatayan, Espirituwal na


Kamatayan, Espirituwal na

Paghiwalay sa Diyos at sa kanyang mga pamamatnubay; ang mamatay sa mga bagay na nauukol sa kabutihan. Nagdanas si Lucifer at ang ikatlong bahagi ng hukbo ng langit ng espirituwal na kamatayan nang sila’y paalisin sa langit (D at T 29:36–37).

Sumapit ang espirituwal na kamatayan sa daigdig dahil sa pagkahulog ni Adan (Moi. 6:48). Ang mga taong may masamang pag-iisip, pananalita, at gawa ay mga espirituwal nang patay samantalang nabubuhay pa sa mundo (1 Tim. 5:6). Sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Jesucristo at pagsunod sa mga alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo, ang kalalakihan at kababaihan ay maaaring malinis mula sa kasalanan at mapagtagumpayan ang espirituwal na kamatayan.

Sumasapit din ang espirituwal na kamatayan kasunod ng pagkamatay ng katawang lupa. Kapwa hahatulan ang mga taong nabuhay nang mag-uli at ang diyablo at ang kanyang mga anghel. Magdurusa ng espirituwal na kamatayan ang mga yaong sadyang naghimagsik sa liwanag at katotohanan ng ebanghelyo. Ang kamatayang ito ay kalimitang tinatawag na ikalawang kamatayan (Alma 12:16; Hel. 14:16–19; D at T 76:36–38).