Pagtatapat, Magtapat
Ginagamit ang salitang pagtatapat sa mga banal na kasulatan sa dalawang pamamaraan. Sa isang dako, ang magtapat ay pagpapahayag ng isang tao ng kanyang pananampalataya sa isang bagay, tulad ng pagtatapat na si Jesus ang Cristo (Mat. 10:32; Rom. 10:9; 1 Juan 4:1–3; D at T 88:104).
Sa isa pang dako, ang magtapat ay pag-amin ng pagkakasala ng isang tao, tulad ng pagtatapat ng mga kasalanan. Tungkulin ng lahat ng taong ipagtapat ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa Panginoon at matanggap ang kanyang pagpapatawad (D at T 58:42–43). Kapag kinakailangan, nararapat ipagtapat ang mga kasalanan sa tao o sa mga taong nagawan ng kasalanan. Nararapat ipagtapat ang mabibigat na kasalanan sa isang pinuno ng Simbahan (sa maraming pagkakataon, sa mga obispo).