Mikas
Isang propeta sa Lumang Tipan. Siya ay tubong Morastita, sa patag na bayan ng Juda, at nagpropesiya habang si Ezechias ang hari (Mi. 1:1–2).
Ang aklat ni Mikas
Ang Mikas lamang ang aklat sa Lumang Tipan ang nagsabing ang Betlehem ang pook kung saan isisilang ang Mesiyas (Mi. 5:2). Sa aklat, pinayuhan ng Panginoon ang kanyang mga tao at inilahad muli ang kanyang mga kabutihang ginawa para sa kanila; humihingi siya sa kanila ng katarungan, awa, at kababaang-loob (Mi. 6:8).