Pagdurusa Tingnan din sa Makapagtiis; Parusa, Pagpaparusa; Tukso, Panunukso; Usigin, Pag-uusig Sa pamamagitan ng pagdurusa—mga pagsubok, suliranin, at kasawian—ang tao ay maaaring magkaroon ng maraming karanasan na magbibigay-daan sa espirituwal na paglaki at walang hanggang pag-unlad sa pamamagitan ng pagbaling sa Panginoon. Ang Diyos mismo ang nagligtas sa inyo mula sa lahat ng inyong pagdurusa at inyong paghihirap, 1 Sam. 10:19. Nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang suliranin, Awit 107:6, 13, 19, 28. Bagaman binigyan kayo ng Panginoon ng tinapay ng pagdurusa, gayunman hindi makukubli ang inyong mga guro, Is. 30:20–21. Talagang kinakailangan na may pagsalungat sa lahat ng bagay, 2 Ne. 2:11. Kung hindi nila kailanman natikman ang mapait ay hindi nila malalaman ang matamis, D at T 29:39. Ang iyong mga pagdurusa ay maikling sandali lamang, D at T 121:7–8. Lahat ng bagay na ito ay magbibigay sa iyo ng karanasan, at para sa iyong ikabubuti, D at T 122:5-8. Kanilang natikman ang pait, upang kanilang matutuhang pahalagahan ang mabuti, Moi. 6:55.