Mukha Ang buong anyo ng mukha ng isang tao, na kadalasang naaaninagan ng espirituwal na pag-uugali at lagay ng isipan. Ang kanilang mga mukha ay sumasaksi laban sa kanila, Is. 3:9. Nagbago ang pagmumukha ng hari, at ginambala siya ng kanyang pag-iisip, Dan. 5:6. Ang kanyang anyo ay tulad sa kidlat, Mat. 28:3. Ang kanyang mukha ay gaya ng araw, Apoc. 1:16. Inyo bang tinanggap ang kanyang larawan sa inyong mga mukha, Alma 5:14, 19. Nakita ni Ammon na nagbago ang anyo ng mukha ng hari, Alma 18:12. Mag-ayuno at manalangin nang may masayang puso at mukha, D at T 59:14–15. Ang kanyang mukha ay nagniningning nang higit pa sa liwanag ng araw, D at T 110:3.