Pahalagahan Tingnan din sa Karangalan; Paggalang Pagsasaalang-alang sa isang tao o isang bagay na may kapakinabangan at kahalagahan, lalung-lalo na ang may kaugnayan sa ebanghelyo. Hinamak siya, at hindi natin siya pinahalagahan, Is. 53:3–4. Siya na labis na pinahahalagahan ng mga tao ay karumal-dumal sa paningin ng Diyos, Lu. 16:15. Hayaang pahalagahan ng bawat isa ang iba kaysa sa kanilang mga sarili, Fil. 2:3. Pantay ang pagpapahalaga ng Panginoon sa lahat ng tao, 1 Ne. 17:35. Dapat pahalagahan ng bawat tao ang kanyang kapwa tulad sa kanyang sarili, Mos. 27:4 (D at T 38:24–25). Sa araw ng kanilang kapayapaan hindi gaano nilang pinahalagahan ang aking payo, D at T 101:8.