Kawalang-katwiran, Hindi Matwid Tingnan din sa Kasalanan; Makasalanan; Marumi, Karumihan; Masama, Kasamaan; Matwid, Katwiran Masama, di makatarungan; mga taong walang pag-ibig sa Diyos o sa mga bagay ng Diyos at hindi nagtataguyod ng kanyang layunin. Ang masasama ay hindi makamamana ng kaharian ng Diyos, 1 Cor. 6:9–10. Yaong mga nangalugod sa kasamaan ay mapapahamak, 2 Tes. 2:12. Malilinis tayo ni Jesucristo mula sa lahat ng kasamaan, 1 Juan 1:9. Inililigaw ng isang masamang hari ang mga landas ng lahat ng kabutihan, Mos. 29:23. Ang saligan ng pagkalipol ay inilatag ng mga kasamaan ng mga manananggol at hukom, Alma 10:27. Isinugo ko kayo upang pagsabihan ang sanlibutan ng lahat ng hindi matwid na gawa, D at T 84:87. Kailangang pabanalin ang kaluluwa mula sa lahat ng kasamaan, D at T 88:17–18. Ang nakagawian ng halos lahat ng tao ay magsimulang gamitin ang di matwid na pananakop, D at T 121:39.