Humingi Tingnan din sa Panalangin Mag-usisa, magtanong, o magsumamo sa Diyos para sa isang natatanging pagpapala. Humingi, at kayo’y bibigyan, Mat. 7:7. Kung nagkukulang ng karunungan ang sinuman sa inyo, bayaan siyang humingi sa Diyos, Sant. 1:5 (JS—K 1:7–20). Magtanong sa akin nang may pananampalataya, 1 Ne. 15:11. Kung hindi ninyo nauunawaan ang mga salitang ito, iyan ay dahil sa hindi kayo humihingi, 2 Ne. 32:4. Humingi nang taos sa puso, Mos. 4:10. Ibinibigay ng Diyos sa inyo ang anumang inyong hinihiling na tama, nang may pananampalataya, Mos. 4:21. Itanong sa Diyos kung ang mga bagay na ito ay hindi totoo, Moro. 10:4. Kanilang mahal ang kadiliman kaysa sa liwanag; samakatwid, hindi sila hihiling sa akin, D at T 10:21. Kayo ay inuutusan sa lahat ng bagay na humingi sa Diyos, D at T 46:7.