Pagkabihag Tingnan din sa Malaya, Kalayaan Ang masadlak sa pisikal o espirituwal na pagkaalipin. Nadala sa pagkabihag ang sambahayan ni Israel dahil sa kanilang kasamaan, Ez. 39:23. Siya na nagdadala sa pagkabihag ay mabibihag, Apoc. 13:10. Madadala ang masasama sa pagkabihag ng diyablo, 1 Ne. 14:4, 7. Ang tao ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan o pagkabihag at kamatayan, 2 Ne. 2:27. Ang kagustuhan ng laman ang nagbibigay sa espiritu ng diyablo ng kapangyarihang makabihag, 2 Ne. 2:29. Napanatili ba ninyo nang husto sa inyong alaala ang pagkabihag ng inyong mga ama? Alma 5:5–6. Sila na magpapatigas ng kanilang mga puso ay kukuning bihag ng diyablo, Alma 12:11. Mag-ingat at laging manalangin, at baka kayo matukso ng diyablo, at maakay kayong palayo na mga bihag niya, 3 Ne. 18:15.