Mapanlinlang, Manlinlang, Panlilinlang Tingnan din sa Pagsisinungaling; Pandaraya Sa mga banal na kasulatan, ang manlinlang ay papaniwalain ang isang tao sa isang bagay na hindi naman totoo. Siya na hindi sumumpa nang may panlilinlang ay makaaakyat sa burol ng Panginoon, Awit 24:4. Iligtas mo ako mula sa manlilinlang, Awit 43:1. Sa aba nila na tinatawag na masama ang mabuti, at mabuti ang masama, Is. 5:20 (2 Ne. 15:20). Sino ma’y huwag linlangin ang kanyang sarili, 1 Cor. 3:18. Huwag kayong palilinlang sa sinuman sa mga salitang walang kabuluhan, Ef. 5:6. Ang masasamang tao ay manlilinlang, at malilinlang, 2 Tim. 3:13. Si Satanas, na siyang nanlilinlang sa buong sanlibutan, ay iwinaksi, Apoc. 12:9. Iginapos si Satanas upang hindi na niya malinlang pa ang mga bansa, Apoc. 20:1–3. Ang Panginoon ay hindi malilinlang, 2 Ne. 9:41. Kung inyong susundin ang Anak, nang walang panlilinlang sa harapan ng Diyos, inyong tatanggapin ang Espiritu Santo, 2 Ne. 31:13. Nagtapat si Serem na nalinlang siya ng kapangyarihan ng diyablo, Jac. 7:18. Ang mga tao ni Haring Noe ay nalinlang ng mahihibok na salita, Mos. 11:7. Tinanggap ng matatalino ang Espiritu Santo bilang kanilang patnubay, at hindi nalinlang, D at T 45:57. Sa aba nila na mga mapanlinlang, D at T 50:6. Siya ay naging si Satanas, ang ama ng lahat ng kasinungalingan, upang linlangin at bulagin ang mga tao, Moi. 4:4.