Pagnanasa Tingnan din sa Mahalay, Kahalayan Ang magkaroon ng masidhing pagnanais na hindi tama sa isang bagay. Huwag mong pagnasaan ang kanyang kagandahan sa iyong puso, Kaw. 6:25. Datapwat ang bawat tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nagkasala ng pakikiapid, Mat. 5:28 (3 Ne. 12:28). Ang mga tao ay nangagniningas sa kanilang pagnanasa sa isa’t isa, Rom. 1:27. Magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling masasamang nasa, 2 Tim. 4:3–4. Nakita ni Laban ang aming mga ari-arian at pinagnasaan niya ang mga iyon, 1 Ne. 3:25. Huwag ng sundin ang pagnanasa ng iyong mata, Alma 39:3–4, 9. Siya na titingin sa isang babae upang magnasa ay magtatatwa sa pananampalataya, D at T 42:23. Tumigil sa lahat ng inyong mahahalay na pagnanasa, D at T 88:121.