Zacarias (Bagong Tipan) Tingnan din sa Elisabet; Juan Bautista Sa Bagong Tipan, ang ama ni Juan Bautista. Hawak ni Zacarias ang katungkulan ng isang saserdote at nanunungkulan sa templo. Pinangakuan ng anghel na si Gabriel si Zacarias at ang kanyang asawang si Elisabet ng isang anak, Lu. 1:5–25 (D at T 27:7). Ang kanyang dila ay nakalag, Lu. 1:59–79. Si Zacarias ay pinatay sa pagitan ng templo at ng dambana, Mat. 23:35 (Lu. 11:51).