Ang kakayahang gumawa ng isang bagay. Ang magkaroon ng kapangyarihan sa isang tao o isang bagay ay magkaroon ng kakayahang pigilin o pag-utusan ang isang tao o bagay. Sa mga banal na kasulatan, ang kapangyarihan ay kadalasang nauugnay sa kapangyarihan ng Diyos o kapangyarihan ng langit. Ito ay kadalasang may kaugnayan sa karapatan ng pagkasaserdote, na siyang pahintulot o karapatang kumilos para sa Diyos.
Dahil dito ay ibinangon kita, upang maipakilala sa iyo ang aking kapangyarihan, Ex. 9:16 .
Ang Diyos ay aking lakas at kapangyarihan, 2Â Sam. 22:33 .
Huwag ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagkat nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito’y gawin, Kaw. 3:27 .
Tunay na ako’y puspos ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon, Mi. 3:8 .
Ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin, Mat. 28:18 .
Nangagtaka sila sa kanyang doktrina, sapagkat may kapangyarihan ang kanyang salita, Lu. 4:32 .
Magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo’y masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas, Lu. 24:49 .
Kasindami ng sa kanya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Diyos, Juan 1:12 (D at T 11:30 ).
Tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo, Gawa 1:8 .
Walang kapangyarihan na hindi mula sa Diyos, Rom. 13:1 .
Sa kapangyarihan ng Diyos kayo ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas, 1 Ped. 1:3–5 .
Ako’y puspos ng kapangyarihan ng Diyos, 1 Ne. 17:48 .
Ipinaalam din ito sa akin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, Jac. 7:12 .
Ang tao ay maaaring magkaroon ng dakilang kapangyarihan na ibinigay sa kanya ng Diyos, Mos. 8:16 .
Sila ay nagturo nang may kapangyarihan at karapatan ng Diyos, Alma 17:2–3 .
Si Nephi ay nangaral nang may kapangyarihan at dakilang karapatan, 3 Ne. 7:15–20 (3 Ne. 11:19–22 ).
Bagaman ang tao ay may kapangyarihang makagawa ng mga makapangyarihang gawa, kung siya ay magyayabang sa kanyang sariling lakas siya ay tiyak na babagsak, D at T 3:4 .
Ang kapangyarihang gumawa ng mabuti ay nasa bawat tao, D at T 58:27–28 .
Sa mga ordenansa ng Pagkasaserdoteng Melquisedec ang kapangyarihan ng kabanalan ay makikita, D at T 84:19–22 .
Ang mga karapatan ng pagkasaserdote ay hindi mapaghihiwalay sa mga kapangyarihan ng langit, D at T 121:34–46 .