Mga Tulong sa Pag-aaral
Paghahayag


Paghahayag

Pakikipag-ugnayan ng Diyos sa kanyang mga anak sa lupa. Ang paghahayag ay maaaring manggaling sa pamamagitan ng Liwanag ni Cristo at ng Espiritu Santo sa pamamaraan ng inspirasyon, mga pangitain, panaginip, o pagdalaw ng mga anghel. Ang paghahayag ay nagbibigay ng patnubay na makaaakay sa matatapat sa kaligtasang walang hanggan sa kahariang selestiyal.

Ipinahahayag ng Panginoon ang kanyang gawain sa kanyang mga propeta at pinagtitibay sa mga naniniwala na ang mga paghahayag sa mga propeta ay totoo (Amos 3:7). Sa pamamagitan ng paghahayag, ang Panginoon ay nagbibigay ng pamamatnubay sa bawat tao na naghahangad nito at may pananampalataya, nagsisisi, at sumusunod sa ebanghelyo ni Jesucristo. “Ang Espiritu Santo ay isang tagahayag,” wika ni Joseph Smith, at “walang sino mang maaaring tumanggap ng Espiritu Santo nang hindi nakatatanggap ng mga paghahayag.”

Sa Simbahan ng Panginoon, ang Unang Panguluhan at ang Korum ng Labindalawang Apostol ay mga propeta, tagakita, at tagapaghayag sa Simbahan at sa sanlibutan. Ang Pangulo ng Simbahan ang siya lamang binigyan ng karapatan ng Panginoon na makatanggap ng paghahayag para sa Simbahan (D at T 28:2–7). Maaaring makatanggap ang bawat tao ng pansariling paghahayag para sa kanyang sariling kapakanan.