Cronolohiya
Ang mga sumusunod na cronolohiya, o tala ng mga pangyayari, ay hindi gaanong marami at nagnanais lamang na magbigay sa mga mambabasa ng kaalaman ng sunud-sunod na mga pangyayaring naganap noong panahong biblikal at ng Aklat ni Mormon:
Mga pangyayari noong kapanahunan ng mga sinaunang patriyarka: (Dahil sa kahirapan ng pagtiyak ng mga tamang petsa ng mga pangyayari sa bahaging ito, ang mga petsa ay hindi ibinigay.) | |
B.C. (o B.P.C.—Bago ang Panahon ng mga Cristiyano) | |
4000 |
Nahulog si Adan. |
Naglingkod si Enoc. | |
Naglingkod si Noe; binaha ang mundo. | |
Itinayo ang Tore ng Babel; naglakbay ang mga Jaredita patungo sa lupang pangako. | |
Naglingkod si Melquisedec. | |
Namatay si Noe. | |
Isinilang si Abram (Abraham). | |
Isinilang si Isaac. | |
Isinilang si Jacob. | |
Isinilang si Jose. | |
Ipinagbili si Jose patungong Egipto. | |
Humarap si Jose sa Faraon. | |
Nagtungo si Jacob (Israel) at ang kanyang mag-anak sa Egipto. | |
Namatay si Jacob (Israel). | |
Namatay si Jose. | |
Isinilang si Moises. | |
Pinamunuan ni Moises ang mga anak ni Israel palabas ng Egipto (ang Exodo). | |
Nagbagong-kalagayan si Moises. | |
Namatay si Josue. | |
Pagkamatay ni Josue, nagsimula ang panahon ng mga hukom, ang unang hukom ay si Othoniel at si Samuel ang huli; ang pagkakaayos at petsa ng iba pa ay hindi gaanong tiyak. | |
Pinahirang maging hari si Saul. |
Mga Pangyayari sa Nagkakaisang Kaharian ng Israel: | |
1095 |
Nagsimula ang paghahari ni Saul. |
1063 |
Pinahirang maging hari si David ni Samuel. |
1055 |
Naging hari si David sa Hebron (Ephron). |
1047 |
Naging hari si David sa Jerusalem; nagpropesiya sina Nathan at Gad. |
1015 |
Naging hari si Solomon ng buong Israel. |
991 |
Natapos ang templo. |
975 |
Namatay si Solomon; naghimagsik ang sampung lipi sa hilaga laban kay Rehoboam, na kanyang anak, at nahati ang Israel. |
Mga Pangyayari sa Israel: |
Mga Pangyayari sa Juda: |
Mga Pangyayari sa Kasaysayan ng Aklat ni Mormon: | |||
---|---|---|---|---|---|
975 |
Naging hari si Jeroboam ng Israel. | ||||
949 |
Si Sisac, hari ng Egipto, ay dinambong ang Jerusalem. | ||||
875 |
Namahala si Acab sa Samaria sa may hilagang Israel; nagpropesiya si Elijah. | ||||
851 |
Gumawa si Eliseo ng mga dakilang himala. | ||||
792 |
Nagpropesiya si Amos. | ||||
790 |
Nagpropesiya sina Jonas at Oseas. | ||||
740 |
Nagsimulang magpropesiya si Isaias. (Natatag ang Roma; si Nabonasar ay naging hari ng Babilonia noong 747; naging hari si Tiglathpileser â…¢ ng Asiria magmula 747 hanggang 734.) | ||||
728 |
Naging hari si Ezechias ng Juda. (Naging hari si Salmanasar â…£ ng Asiria.) | ||||
721 |
Nawasak ang Hilagang Kaharian; nadalang bihag ang sampung lipi; nagpropesiya si Mikas. | ||||
642 |
Nagpropesiya si Nahum. | ||||
628 |
Nagpropesiya sina Jeremias at Zefanias. | ||||
609 |
Nagpropesiya si Obadias; nadalang bihag si Daniel sa Babilonia. (Bumagsak ang Ninive noong 606; naging hari si Nabucodonosor ng Babilonia magmula 604 hanggang 561.) | ||||
600 |
Nilisan ni Lehi ang Jerusalem. | ||||
598 |
Nagpropesiya si Ezekiel sa Babilonia; nagpropesiya si Habacuc; naging hari ng Juda si Zedekias. | ||||
588 |
Lumisan si Mulek mula sa Jerusalem patungo sa lupang pangako. | ||||
588 |
Ihiniwalay ng mga Nephita ang kanilang sarili mula sa mga Lamanita (sa pagitan ng 588 at 570). | ||||
587 |
Nasakop ni Nabucodonosor ang Jerusalem. |
Mga Pangyayari sa Kasaysayan ng Judio: |
Mga Pangyayari sa Kasaysayan ng Aklat ni Mormon: | ||
---|---|---|---|
537 |
Ipinag-utos ni Ciro na makababalik na ang mga Judio mula sa Babilonia. | ||
520 |
Nagpropesiya sina Hagai at Zacarias. | ||
486 |
Nabuhay si Ester. | ||
458 |
Naatasan si Ezra na gumawa ng mga pagbabago. | ||
444 |
Nahirang si Nehemias na maging gobernador ng Judea. | ||
432 |
Nagpropesiya si Malakias. | ||
400 |
Natanggap ni Jarom ang mga lamina. | ||
360 |
Natanggap ni Omni ang mga lamina. | ||
332 |
Nasakop ng Dakilang Alexander ang Siria at Egipto. | ||
323 |
Namatay si Alexander. | ||
277 |
Ang Septuagint, na pagsasalin ng mga banal na kasulatang Judio sa salitang Griyego, ay sinimulan. | ||
167 |
Nag-alsa si Mattatias, ang Macabeo laban sa Siria. | ||
166 |
Naging pinuno si Hudas Macabeo ng mga Judio. | ||
165 |
Nilinis ang templo at muling inilaan; pinasimulan ang Hanukka. | ||
161 |
Namatay si Hudas Macabeo. | ||
148 |
Namatay na isang martir si Abinadi; muling itinatag ni Alma ang Simbahan sa gitna ng mga sa gitna ng mga Nephita. | ||
124 |
Ibinigay ni Benjamin ang kanyang huling talumpati sa mga Nephita. | ||
100 |
Sinimulan nina Nakababatang Alma at mga anak ni Mosias ang kanilang gawain. | ||
91 |
Nagsimula ang panunungkulan ng mga hukom sa mga Nephita. | ||
63 |
Nasakop ni Pompey ang Jerusalem, at nagwakas ang pamamahala ng mga Macabeo sa Israel. | ||
51 |
Namahala si Cleopatra. | ||
41 |
Pinagsamang tetrarka sina Herodes at Phasael sa Judea. | ||
37 |
Naging pinuno si Herodes sa Jerusalem. | ||
31 |
Pinaglabanan ang Digmaan ng Actium; naging emperador ng Roma si Augusto magmula 31 B.C. hanggang A.D. 14. | ||
30 |
Namatay si Cleopatra. | ||
17 |
Muling ipinatayo ni Herodes ang templo. | ||
6 |
Iprinopesiya ni Samuel, ang Lamanita ang pagsilang ni Cristo. |
Mga Pangyayari sa Kasaysayang Cristiyano: |
Mga Pangyayari sa Kasaysayan ng Aklat ni Mormon: | ||
---|---|---|---|
A.D. (o P.C.—Panahong Cristiyano) |
A.D. (o P.C.) | ||
Ang pagsilang ni Jesucristo | |||
30 |
Nagsimula ang ministeryo ni Cristo. | ||
33 |
Ipinako sa krus si Cristo. |
33 o 34 |
Nagpakita ang nabuhay na mag-uling si Cristo sa Amerika. |
35 |
Nagbalik-loob si Pablo. | ||
45 |
Humayo si Pablo sa kanyang unang paglalakbay bilang misyonero. | ||
58 |
Isinugo si Pablo sa Roma. | ||
61 |
Nagwakas ang kasaysayan ng mga Gawa ng mga Apostol. | ||
62 |
Nasunog ang Roma; inusig ang mga Cristiyano sa ilalim ni Nero. | ||
70 |
Lumikas ang mga Cristiyano sa Pella; nilusob ang Jerusalem at nasakop. | ||
95 |
Inusig ang mga Cristiyano ni Domitian. | ||
385 |
Nawasak ang bansang Nephita. | ||
421 |
Itinago ni Moroni ang mga lamina. |