Taga-Corinto, Sulat sa mga
Dalawang aklat sa Bagong Tipan. Ang mga ito ay orihinal na mga sulat na isinulat ni Pablo sa mga Banal sa Corinto upang iwasto ang pagkakagulo sa kanila. Namuhay ang mga taga-Corinto sa isang lipunang may masamang moralidad.
Unang Mga Taga-Corinto
Nilalaman ng kabanata 1 ang mga pagbati ni Pablo at isang mensahe ng pagpapasalamat. Sa mga kabanata 2–6 ang mga pagwawasto ni Pablo sa mga kamalian ng mga Banal sa Corinto. Nilalaman ng mga kabanata 7–12 ang mga tugon ni Pablo sa ilang mga katanungan. Tumutukoy naman ang mga kabanata 13–15 sa pag-ibig sa kapwa-tao, mga espirituwal na kaloob, at sa pagkabuhay na mag-uli. Nilalaman ng kabanata 16 ang mga payo ni Pablo na magpakatatag sa pananampalataya.
kalawang Mga Taga-Corinto
Nilalaman ng kabanata 1 ang mga pagbati ni Pablo at isang mensahe ng pagpapasalamat. Nilalaman ng kabanata 2 ang personal na payo para kay Tito. Tinatalakay ng mga kabanata 3–7 ang bisa ng ebanghelyo sa buhay ng mga Banal at sa kanilang mga pinuno. Pinapayuhan ng mga kabanata 8–9 ang mga Banal na magbigay nang may saya sa mga maralita. Sa mga kabanata 10–12 ang sariling salaysay ni Pablo tungkol sa katungkulan niya bilang isang Apostol. Ang kabanata 13 ay isang paalala na maging ganap.