Mga Tulong sa Pag-aaral
Pagbibinyag ng mga Sanggol


Pagbibinyag ng mga Sanggol

Ang hindi karapat-dapat na pagsasagawa ng pagbibinyag ng mga sanggol at mga bata na wala pa sa taon ng pananagutan, na walong taong gulang. Isinusumpa ng Panginoon ang pagbibinyag ng mga sanggol (Moro. 8:10–21). Isinilang ang mga bata nang walang malay at walang kasalanan. Walang kapangyarihan si Satanas na tuksuhin ang mga bata hanggang sa magsimula silang maging may pananagutan (D at T 29:46–47) kaya hindi na nila kinakailangang magsisi o mabinyagan. Kailangang binyagan ang mga bata sa gulang na walo (D at T 68:25–27).