Magpatotoo Tingnan din sa Patotoo Ang sumaksi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo; gumawa ng tapat na pahayag ng katotohanan hango sa sariling kaalaman at paniniwala. Ang Mang-aaliw ang magpapatotoo sa akin, Juan 15:26. Inutusan niya na magsipangaral at magpatotoo kami, Gawa 10:42. Tatlong saksi ang magpapatotoo sa katotohanan, 2 Ne. 27:12. Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ang nagdadala nito sa mga puso ng mga anak ng tao, 2 Ne. 33:1. Ang mga banal na kasulatan ay nagpapatotoo kay Cristo, Jac. 7:10–11 (Juan 5:39). Ako ay nagpapatotoo sa inyo na alam ko na ang mga bagay na aking sinabi ay totoo, Alma 5:45 (Alma 34:8). Kayo ay magpapatotoo sa kanila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, D at T 17:3–5. Yaong pinatototohanan ng Espiritu sa inyo, gawin ninyo, D at T 46:7. Isinugo ko kayo upang magpatotoo at magbabala, D at T 88:81.