Mga Tulong sa Pag-aaral
Jehova


Jehova

Ang tipan o tanging pangalan ng Diyos ng Israel. Nangangahulugan ito ng “ang walang hanggang AKO” (Ex. 3:14; Juan 8:58). Si Jehova ay si Jesucristo sa buhay bago pa ang buhay na ito at isinilang sa mundo bilang anak ni Maria (Mos. 3:8; 15:1; 3 Ne. 15:1–5). Kadalasan, kapag lumalabas ang salitang Panginoon sa Lumang Tipan, nangangahulugan itong Jehova.

Ang Jehova ay si Cristo

Kilala si Jehova ng mga naunang propeta (Ex. 6:3; Abr. 1:16). Itinuro ng Apostol na si Pablo na si Cristo ang Jehova ng Lumang Tipan (Ex. 17:6; 1 Cor. 10:1–4). Nakita ng kapatid ni Jared ang hindi pa mortal na si Cristo at sinamba siya (Eter 3:13–15). Tinawag din ni Moroni si Cristo ng Jehova (Moro. 10:34). Sa Templo ng Kirtland, nakita nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang nabuhay na mag-uling si Jehova (D at T 110:3–4).