Mga Tulong sa Pag-aaral
Rehoboam


Rehoboam

Sa Lumang Tipan, ang anak ni Haring Solomon. Humalili siya sa kanyang ama at naghari ng labimpitong taon sa Jerusalem (1 Hari 11:43; 14:21, 31). Sa panahon ng paghahari ni Rehoboam, ang kaharian ay nahati sa kaharian ng Israel sa hilaga at sa kaharian ng Juda sa timog (1 Hari 11:31–36; 12:19–20). Namahala si Rehoboam sa kaharian ng Juda.