Daan Tingnan din sa Jesucristo; Lumakad, Lumakad na Kasama ng Diyos Ang landas o daang sinusundan ng isang tao. Sinabi ni Jesus na siya ang daan (Juan 14:4–6). Sundin ang mga kautusan ng Panginoon na lumakad sa kanyang mga landas, Deut. 8:6. Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, Kaw. 22:6 (2 Ne. 4:5). Sinabi ng Panginoon na ang kanyang mga lakad ay hindi natin mga lakad, Is. 55:8–9. Makitid ang pintuan at makipot ang daan patungo sa buhay, Mat. 7:13–14 (3 Ne. 14:13–14; 27:33; D at T 132:22, 25). Ang Diyos ay gagawa ng paraan para sa inyo upang matakasan ang tukso, 1 Cor. 10:13. Hindi nagbibigay ng kautusan ang Panginoon na hindi siya naghahanda ng paraan upang makasunod ang kanyang mga anak, 1 Ne. 3:7 (1 Ne. 9:6; 17:3, 13). Walang ibang daan maliban sa ito ay sa pamamagitan ng pasukan, 2 Ne. 9:41. Kayo ay malayang makakikilos para sa inyong sarili—ang piliin ang daan ng walang hanggang kamatayan o ang daan ng buhay na walang hanggan, 2 Ne. 10:23. Ito ang daan at walang ibang daan ni pangalan, 2 Ne. 31:21 (Mos. 3:17; Alma 38:9; Hel. 5:9). Sa paghahandog ng Anak, ang Diyos ay naghanda ng higit na mabuting paraan, Eter 12:11 (1 Cor. 12:31). Bawat tao ay lumalakad sa sarili niyang paraan, D at T 1:16. Ito ay kinakailangang magawa sa aking sariling pamamaraan, D at T 104:16.