Dagat na Pula
Katawan ng tubig sa pagitan ng Egipto at Arabia. Ang dalawang hilagang golpo nito ang humuhubog sa baybay-dagat ng Peninsula ng Sinai. Kahima-himalang hinati ng Panginoon ang Dagat na Pula upang makadaan sa ibabaw ng lupang tuyo ang mga Israelitang nasa ilalim ng pamumuno ni Moises (Ex. 14:13–31; Heb. 11:29). Ang pagkakahati ng dagat sa pamamagitan ni Moises ay pinagtibay sa huling araw na paghahayag (1 Ne. 4:2; Hel. 8:11; D at T 8:3; Moi. 1:25).