Anak ng Tao
Isang katawagang ginagamit ni Jesus kung sarili niya ang pinag-uusapan (Lu. 9:22; 21:36). Ang ibig sabihin nito ay Anak ng Taong Banal. Isa sa mga pangalan ng Diyos Ama ay Taong Banal. Nang tinawag ni Jesus ang kanyang sarili na Anak ng Tao, lantad na pagpapahayag ito ng banal na kaugnayan niya sa Ama. Kadalasang natatagpuan ang katawagang ito sa mga Ebanghelyo. Pinatutunayan ng paghahayag sa huling araw ang di pangkaraniwang kahulugan at kabanalan ng pangalang ito ng Tagapagligtas (D at T 45:39; 49:6, 22; 58:65; Moi. 6:57).