Aaron, Kapatid ni Moises Tingnan din sa Moises; Pagkasaserdoteng Aaron Sa Lumang Tipan, anak na lalaki nina Amram at Jochebed, ng lipi ni Levi (Ex. 6:16–20); ang nakatatandang kapatid ni Moises (Ex. 7:7). Hinirang ng Panginoon na tumulong kay Moises sa pagdadala sa mga anak ni Israel palabas ng Egipto at maging tagapagsalita niya, Ex. 4:10–16, 27–31; 5:1–12:51. Sa Bundok ng Sinai, natanggap ni Moises ang mga tagubilin tungkol sa pagkakahirang ni Aaron at ng kanyang apat na anak na lalaki sa Pagkasaserdoteng Aaron, Ex. 28:1–4. Gumawa ng isang ginintuang guya sa kahilingan ng mga tao, Ex. 32:1–6, 21, 24, 35. Namatay sa Bundok ng Hor sa gulang na 123, Blg. 20:22–29 (Blg. 33:38–39). Pinagtibay rin ng Panginoon ang pagkasaserdote kay Aaron at sa kanyang mga binhi, D at T 84:18, 26–27, 30. Yaong mga matapat na tumupad sa mga tungkulin ng pagkasaserdote ay magiging mga anak na lalaki ni Moises at ni Aaron, D at T 84:33–34. Bibigyang-katwiran ng Panginoon ang mabubuting gawa ng mga yaong tinawag ng Ama na tulad ni Aaron, D at T 132:59.