Malakias
Isang propeta sa Lumang Tipan na sumulat at nagpropesiya noong mga 430Â B.C.
Ang aklat ni Malakias
Ang aklat o propesiya ni Malakias ang huling aklat sa Lumang Tipan. Ito ay tila may sinusundang apat na pangunahing paksa: (1) ang mga pagkakasala ng Israel—Malakias 1:6–2:17; 3:8–9; (2) ang mga paghuhukom na sasapit sa Israel dahil sa kanilang pagsuway—Malakias 1:14; 2:2–3, 12; 3:5; (3) ang mga pangako sa pagsunod—Malakias 3:10–12, 16–18; 4:2–3; at (4) mga propesiya tungkol sa Israel—Malakias 3:1–5; 4:1, 5–6 (D at T 2; 128:17; JS—K 1:37–39).
Sa kanyang propesiya, si Malakias ay nagsulat tungkol kay Juan Bautista (Mal. 3:1; Mat. 11:10), sa batas ng ikapu (Mal. 3:7–12), sa ikalawang pagparito ng Panginoon (Mal. 4:5), at sa pagbabalik ni Elijah (Mal. 4:5–6; D at T 2; 128:17; JS—K 1:37–39). Binanggit ng Tagapagligtas ang lahat ng kabanata 3 at 4 ng Malakias sa mga Nephita (3 Ne. 24–25).