Kaluwalhatian Tingnan din sa Antas ng Kaluwalhatian, Mga; Ilaw, Liwanag ni Cristo; Katotohanan Sa mga banal na kasulatan, kadalasan ang kaluwalhatian ay tumutukoy sa liwanag at katotohanan ng Diyos. Maaari rin itong tumukoy sa papuri o karangalan at sa isang tiyak na kalagayan ng buhay na walang hanggan o sa kaluwalhatian ng Diyos. Banal ang Panginoon ng mga hukbo: puspos ng kanyang kaluwalhatian ang buong mundo, Is. 6:3 (2 Ne. 16:3). Nagbago kami sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, 2 Cor. 3:18. Ako’y kanyang ibabangon upang manahanang kasama niya sa kaluwalhatian, Alma 36:28. Ang matatanggap na mga kaluwalhatian sa pagkabuhay na mag-uli ay magkakaiba alinsunod sa kabutihan, D at T 76:50–119. Ang kaluwalhatian ng Diyos ay katalinuhan, D at T 93:36. Ang kaluwalhatian ng Diyos ay isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao, Moi. 1:39. Nakakita ako ng dalawang Katauhan, na ang liwanag at kaluwalhatian ay hindi kayang maisalarawan, JS—K 1:17.