Paano Gamitin. Ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan ay isang alpabetikong talaan ng mga paksa sa ebanghelyo. Ito ay nagbibigay ng isang maikling pagpapaliwanag ng bawat paksa at nagkakaloob ng mga pinakamahalagang sanggunian tungkol sa paksang ito. Ang bawat sanggunian ay pinangungunahan ng isang maliit na sipi o buod ng banal na kasulatan. Ang mga sanggunian ng banal na kasulatan ay makikita sa sumusunod na pagkakasunud-sunod: Lumang Tipan, Bagong Tipan, Aklat ni Mormon, Doktrina at mga Tipan, at ang Mahalagang Perlas. Ang sumusunod na banghay ay nagpapaliwanag ng isang halimbawang tala.