Mga Tulong sa Pag-aaral
Zedekias


Zedekias

Sa Lumang Tipan, ang huling hari ng Juda (2 Hari 24:17–20; 25:2–7). Ipinakulong ni Zedekias ang propetang si Jeremias (Jer. 32:1–5), at iprinopesiya ni Jeremias ang pagkabihag ni Zedekias (Jer. 34:2–8, 21). Sa Jerusalem naninirahan si Lehi at ang kanyang mag-anak noong unang taon ng paghahari ni Zedekias (1 Ne. 1:4). Lahat ng anak ni Zedekias ay napatay maliban sa isa; nakatakas patungong kanluran ang anak niyang si Mulek (Jer. 52:10; Omni 1:15; Hel. 8:21).