Kaalaman ng mga bagay sa ngayon, at sa nakalipas, at sa mga darating pa (D at T 93:24 ). Tumutukoy rin ang katotohanan sa liwanag at paghahayag mula sa langit.
Malalaman mo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo, Juan 8:32 .
Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay, Juan 14:6 .
Kung sasabihin mo na wala tayong kasalanan, ang katotohanan ay wala sa atin, 1Â Juan 1:8 .
Ang may kasalanan ay tumatanggap ng katotohanan nang may kahirapan, 1Â Ne. 16:2 .
Minamahal ng mabubuti ang katotohanan, 2Â Ne. 9:40 .
Ang Espiritu ay nagsasabi ng katotohanan at hindi nagsisinungaling, Jac. 4:13 .
Kayo ay Diyos ng katotohanan at hindi maaaring magsinungaling, Eter 3:12 .
Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay, Moro. 10:5 .
Ang katotohanan ay mananatili magpakailanman at walang katapusan, D at T 1:39 .
Ikaw ay naliwanagan sa pamamagitan ng Espiritu ng katotohanan, D at T 6:15 .
Ang Aklat ni Mormon ay naglalaman ng katotohanan at ng salita ng Diyos, D at T 19:26 .
Ang Mang-aaliw ay isinugo upang magturo ng katotohanan, D at T 50:14 .
Siya na tumatanggap ng salita sa pamamagitan ng Espiritu ng katotohanan ay natanggap ito ayon sa ipinangaral ng Espiritu ng katotohanan, D at T 50:17–22 .
Ipinahahayag ang katotohanan alinsunod sa mga paghahayag na aking ibinigay sa inyo, D at T 75:3–4 .
Anumang katotohanan ay liwanag, D at T 84:45 .
Ang liwanag ni Cristo ay liwanag ng katotohanan, D at T 88:6–7, 40 .
Ang aking Espiritu ay katotohanan, D at T 88:66 .
Ang katalinuhan, o ang liwanag ng katotohanan, ay hindi nilikha, D at T 93:29 .
Ang kaluwalhatian ng Diyos ay katalinuhan, o liwanag at katotohanan, D at T 93:36 .
Ipinag-uutos ko sa inyo na palakihin ang inyong mga anak sa liwanag at katotohanan, D at T 93:40 .