Laman Tingnan din sa Katawan; Likas na Tao; Makamundo; Tiyak na Pagkamatay, May Kamatayan May ilang kahulugan ang laman: (1) ang malambot na himaymay na bumubuo sa mga katawan ng sangkatauhan, hayop, ibon, o isda; (2) tiyak na pagkamatay; o (3) ang pisikal o makalupang katangian ng tao. Himaymay ng katawan Ang mga hayop ay magiging pagkain para sa inyo, Gen. 9:3. Hindi dapat pumatay ng mga hayop nang hindi kinakailangan, PJS, Gen. 9:10–11 (D at T 49:21). Ang mga hayop at ibon ay para sa tao upang kainin at gamitin bilang kasuotan, D at T 49:18–19 (D at T 59:16–20). Dapat tayong kumain ng karne nang paminsan-minsan lamang, D at T 89:12–15. Mortalidad Si Jesus lamang ang bugtong na Anak ng Ama sa buhay na ito, Juan 1:14 (Mos. 15:1–3). Si Adan ang naging unang laman, Moi. 3:7. Makalupang katangian ng tao Sumpain ang tao na ginagawang laman ang kanyang bisig, Jer. 17:5. Handa ang espiritu subalit mahina ang laman, Mar. 14:38. Ang pagnanasa ng laman ay hindi sa Ama, 1 Juan 2:16. Nalungkot si Nephi dahil sa kanyang laman at mga kasamaan, 2 Ne. 4:17–18, 34. Huwag ipagkasundo ang inyong sarili sa diyablo at sa laman, 2 Ne. 10:24.