Pagsunod, Masunurin, Sumunod Tingnan din sa Batas; Kagalakan; Kautusan ng Diyos, Mga; Lumakad, Lumakad na Kasama ng Diyos; Makinig; Pagpapala, Pagpapalain, Pinagpala Sa espirituwal na kahulugan, ang pagsunod ay paggawa ng kalooban ng Diyos. Ginawa ni Noe ang naaayon sa lahat ng ipinag-utos ng Diyos, Gen. 6:22. Sinunod ni Abraham ang Diyos, Gen. 22:15–18. Lahat ng sinabi ng Panginoon ay aming gagawin, Ex. 24:7. Dinggin, mo O Israel, at gawin ito, Deut. 6:1–3. Ibigin ang Panginoon at sundin ang kanyang tinig, Deut. 30:20. Ang pagsunod ay maigi kaysa hain, 1 Sam. 15:22. Matakot sa Diyos, at tumupad sa kanyang mga utos, Ec. 12:13–14. Hindi lahat ay makapapasok sa kaharian ng langit, ngunit yaong gumagawa ng kalooban ng Ama, Mat. 7:21 (3 Ne. 14:21). Kung ang sinumang tao ay gagawa ng kanyang kalooban, kanyang malalaman kung ang doktrina ay sa Diyos, Juan 7:17. Dapat muna kaming magsitalima sa Diyos bago sa tao, Gawa 5:29. Mga anak, sundin ang inyong mga magulang, Ef. 6:1 (Col. 3:20). Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon, 1 Ne. 3:7. Sinunod ko ang tinig ng Espiritu, 1 Ne. 4:6–18. Kung ang mga anak ng tao ay susunod sa mga kautusan ng Diyos kanya silang pangangalagaan, 1 Ne. 17:3. Mag-ingat at baka masunod ninyo ang masamang espiritu, Mos. 2:32–33, 37 (D at T 29:45). Aanihin ng mga tao ang kanilang gantimpala alinsunod sa espiritung kanilang sinusunod, Alma 3:26–27. Nararapat gawin ng mga tao ang maraming bagay sa kanilang sariling kalooban, D at T 58:26–29. Walang sinuman ang makasasakit ng damdamin ng Diyos, maliban sa mga yaong hindi kumikilala ng kanyang gawain at hindi sumusunod sa kanyang mga kautusan, D at T 59:21. Ako ang Panginoon ay nakatali kapag ginawa ninyo ang aking sinasabi, D at T 82:10. Bawat kaluluwang susunod sa aking tinig ay makikita ang aking mukha at malalaman na ako nga, D at T 93:1. Ang tao ay kailangang parusahan hanggang sa kanilang matutuhan ang pagsunod, D at T 105:6. Kapag tayo’y nakatatamo ng anumang pagpapala mula sa Diyos, ito’y sa pamamagitan ng pagsunod sa batas kung saan ito ay nakaakibat, D at T 130:21. Si Adan ay masunurin, Moi. 5:5. Susubukin natin sila upang makita kung gagawin nila ang lahat ang anumang ipag-uutos ng Panginoon, Abr. 3:25.