Maamo, Kaamuan Tingnan din sa Bagbag na Puso; Mapagpakumbaba, Pagpapakumbaba; Tiyaga May takot sa Diyos, matwid, mapagpakumbaba, natuturuan at matiisin sa pagdurusa. Ang maaamo ay nakahandang sumunod sa mga turo ng ebanghelyo. Si Moises ay may maamong loob, Blg. 12:3. Ang maamo ay magmamana ng lupa, Awit 37:11 (Mat. 5:5; 3 Ne. 12:5; D at T 88:17). Hanapin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na maamo; hanapin ang katwiran, hanapin ang kaamuan, Zef. 2:3 (1 Tim. 6:11). Matuto kayo sa akin sapagkat ako ay maamo at mapagpakumbaba ang puso, Mat. 11:29. Kaamuan ay isang bunga ng Espiritu, Gal. 5:22–23. Ang tagapaglingkod ng Panginoon ay nararapat na maamo, sapat na makapagturo, matiisin, sa kaamuan nagbibigay-tagubilin sa yaong mga sumasalungat, 2 Tim. 2:24–25. Ang espiritung maamo at payapa ay may malaking kahalagahan sa paningin ng Diyos, 1 Ped. 3:4. Hubarin ang likas na tao at maging maamo, Mos. 3:19 (Alma 13:27–28). Inutusan ng Diyos si Helaman na turuan ang mga tao na maging maamo, Alma 37:33. Ang biyaya ng Panginoon ay sapat para sa maaamo, Eter 12:26. Kayo ay may pananampalataya kay Cristo dahil sa inyong kababaang-loob, Moro. 7:39. Walang isa mang katanggap-tanggap sa Diyos maliban sa mababang-loob at may mapagkumbabang puso, Moro. 7:44. Ang kapatawaran ng mga kasalanan ay nagdadala ng kaamuan, at dahil sa kaamuan ay dumarating ang pagdalaw ng Espiritu Santo, Moro. 8:26. Lumakad sa kaamuan ng aking Espiritu, D at T 19:23. Pamahalaan ang iyong tahanan sa kaamuan, D at T 31:9. Ang kapangyarihan at impluwensiya ng pagkasaserdote ay maaaring mapanatili ng kahinahunan at kaamuan, D at T 121:41.