Tiyak na Pagkamatay, May Kamatayan Tingnan din sa Daigdig; Kamatayan, Pisikal na; Katawan; Pagkahulog nina Adan at Eva Ang panahon mula sa pagsilang hanggang kamatayan. Ito minsan ay tinatawag na pangalawang kalagayan. Sa araw na kakainin ninyo ito kayo ay tiyak na mamamatay, Gen. 2:16–17 (Moi. 3:16–17). Sa kamatayan ang espiritu ay babalik sa Diyos at ang katawan sa alabok ng lupa, Ec. 12:7 (Gen. 3:19; Moi. 4:25). Huwag hayaang maghari ang kasalanan sa inyong mortal na katawan, Rom. 6:12. Ang may kamatayan na katawang ito ay nararapat na magbihis ng kawalang-kamatayan, 1 Cor. 15:53 (Enos 1:27; Mos. 16:10; Morm. 6:21). Ang kalagayan ng tao ay naging kalagayan ng pagsubok, 2 Ne. 2:21 (Alma 12:24; 42:10). Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon, 2 Ne. 2:25. Kayo ba ay umaasa at nakikita ang may kamatayang katawang ito na ibinabangon sa kawalang-kamatayan? Alma 5:15. Ang buhay na ito ang panahon para sa mga tao na maghanda sa pagharap sa Diyos, Alma 34:32. Huwag matakot sa kamatayan, sapagkat ang iyong kagalakan ay hindi ganap sa daigdig na ito, D at T 101:36. Ang mga yaong naingatan ang kanilang pangalawang kalagayan ay magkakaroon ng kaluwalhatian, Abr. 3:26.